Tampo ka? Lambing lang katumbas niyan.

ayoskalangba:

Kadalasan naman ganun ang nangyayari diba? Bakit kaya nuhh? Nagtatampo ka dahil:

  • Una sa lahat gusto mo magpalambing,
  • Namimiss mo na siya,
  • Gusto mo lang naman makasama siya,
  • o kaya Gusto mo lang namn yung maging sweet siya sayo.

Minsan yung tampo na yan, trip mo lang para lambingin ka, yun naman talaga yun diba? Pwede namang sabihin kaysa magtamputampuhan pa diba? Pero yun nga, syempre kung mahal mo talaga, mararamdaman mo na kailangan niya ng lambing mo, alam mo na kailangan mo siya bigyan ng oras kahit saglit lang, at dapat alam mo kung paano mo siya mabibigyan ng lugar/oras sa buhay mo, kasi kung parang wala lang siya sayo, dun talaga siya magagalit at ang masama baka mawala na yung pagmamahal niya sayo at ang mas masama pa dun baka sa iba pa niya mahanap yung lambing na hinahanap niya sayo. At ang pinaka masama dun, masasaktan ka. 

Lambing lang talaga makakapagayos nung tampo niya sayo, yun lang naman e, yung maging sweet ka sa kanyn, yung bigyan mo siya ng oras mo at yung masakama ka niya, yun lang naman magiging masaya na yung taong mahal mo,.

27 June 2012
Kung papasok ka sa isang relasyon..

ayoskalangba:

  • Hindi dapat PBB Teens,
  • Alam mo sa sarili mo na mamahalin mo siya at
  • Seryoso ka talaga sa pinasok mo na relasyon,
  • Hindi lang pampalipas oras o masabi lang na may BG/GF ka.
  • Yung hindi ka takot masaktan, 
  • Yung handa ka malaman kung sino talaga yung mamahalin mo,
  • Yung tatanggapin mo siya ng buongbuo,
  • At syempre hindi ka magsasawa na mahalin siya.

Hindi naman ibig sabihin na INLOVE ka, dapat ka ng pumasok sa isang relasyon, hindi naman kasi lahat ng INLOVE sa isang relasyon na pupunta, meron kasing mas masaya na yung friends na lang sila right? Kasi hindi naman ibig sabihin na ‘Couple’ sila ibig sabihin masaya na kasi meroong taong nagmamahal at nagaalaga sayo, hindi ganun yun! Sa una siguro ganun masaya at mahal niyo ang isa’t isa pero kapag nagtagal na dun na lalabas yung mga problema niyo, yung ugali niyo at syempre kung paano niyo lalagpasan yung problema niyo..

Kaya kung papasok ka sa isang relasyon, dapat matatag ka, dapat kakayanin mo at dapat hindi ka susuko, kasi mahal mo nga diba? Hindi love yun kung isusuko mo kaagad. Bago ka pumasok, alamin mo muna. Hindi ka naman minamadali, madami pa naman dyan, hindi ka din naman mauubusan ng lalake/babae. Yung kapag ready ka na magmahal, yung kung kailan mo naramdaman yung ‘spark’ ganun. Hindi naman kasi laruan ang relasyon, kung kailan mo gusto tska ka papasok at kung kailan ayaw mo na, iiwan mo na lang basta basta. 

27 June 2012
Yung mahal mo siya pero nasasaktan na siya sayo..

ayoskalangba:

AWKWARD! Why? Mahal mo nga diba tapos nasasaktan siya sayo? Diba kapag mahal mo ang isang tao lahat gagawin mo para sa kanya, maging masaya lang siya at maging kuntento sayo, yung iingatan at aalagaan mo siya, yung mga ganung tipo diba pero bakit kaya dumadating pa din yung oras na nasasaktan mo na siya kahit ang ginawa mo lang naman e yung mahalin mo siya? Bakit ganun?

Ano ba pwedeng reason kung bakit siya nasasaktan?

  • Siguro, nasasakal na siya sayo. Sobra sobra na, wala na siyang time para sa sarili niya.
  • Siguro, OA ka na sa mga ginagawa mo sa kanya, hindi na normal.
  • Siguro, akala niya wala siyang kwenta kasi puro ikaw na lang yung nageeffort.
  • Siguro, kasi nahihirapan na siya sa relasyon niyo.
  • Siguro, nasasaktan na lang talaga siya sa mga ginagawa mo.

Sa mga sinabi ko na yan puro siguro, walang totoo o tamang sagot sa tanong, kasi hindi mo naman malalaman kung bakit nasasaktan yung taong mahal mo, kasi minsan kahit mahal na mahal mo siya at lahat ginagawa mo, minsan masasaktan mo din siya kahit hindi mo sinasadya diba? Syempre magkaiba kayo, hindi mo masasabi yan, magaaway pa din kayo kasi dyan malalaman kung hanggang saan ang makakaya niyo. 

Isang reason kung bakit nasasaktan yung mahal mo, dahil yung nasasakala na siya sayo kasi kahit magGF/BF kayo, huwag naman umasta na parang asawa o magulang ka niya, kasi syempre kailangan niya magdesisyon sa mga gusto niya at ikaw suportahan mo na lang siya sa mga gusto niya, nahihirapan kasi siya, sayo kaya gawin yun hindi mo din magugustuhan. Take and Receive lang po tayo.

27 June 2012
Ayaw kong sabihin na ayaw ko na kasi..

ayoskalangba:

Ayaw kong sabihin na ayaw ko na kasi..

  • Kasi, baka sa huli magsisisi lang ako sa desisyon ko.
  • Kasi, baka magkamali ako sa desisyon ko,
  • Kasi, baka nabigla lang ako sa desisyon ko.
  • Kasi, galit lang ako kaya ganun agad ang naging desisyon ko.
  • Kasi, baka mahirapan lang ako na wala siya.
  • Kasi, baka hindi ko makaya na mawala siya.

Alam mo yung feeling na minsan gusto mo ng sumuko o gusto mo ng umayaw kasi nasasaktan ka na pero ayaw mo kasi mahal mo talaga siya at ayaw mo siyang mawala pero masakit talaga? Ang hirap lang magdesisyon nuh? Pero sa huli syempre babalik ulit kayo sa dati, kasi sa isang relasyon dadating talaga yung mgkakaproblema kayo at kailangan niyo itong harapin, kailangan niyo ng solusyon para malagpasan ito, at hindi solusyon ang umayaw na lang, isipin mo din mahihirapan ka sa magiging desisyon mo.

Kung andyan ka na sa stage na gusto mo na umayaw, isipin mo yung mga bagay na pinaramdam niyang mahal na mahal na mahal ka niya at walang makakahigit sa sobrang saya na pinaramdam niya sayo, yung saya na hindi mo makakalimutan habang kasama siya. Dibaa? Huwag mo ipatalo yung away niyo sa dinami dami ng mamagandang memories na pinagsamahan niyo, palagi mong isipin yung positive, hindi sa negative.

27 June 2012
Ang labis na pag-asa, pagsisisi ang bunga.

ayoskalangba:

Yan! Sa lahat ng pwedeng dahilan para masaktan ang pinakamasakit e yung UMASA, yung umasa sa WALA! Dba? Walang pinipili yan, sa relasyon, sa mga bagay-bagay o kahit sa paligid mo. Bakit ka kasi aasa, kung alam mo namang walang patutunguhan dba? Ngunit, hindi nga naman masamang umasa kung gusto mo talaga pero dapat alam mo sa sarili mo na hindi ito 100% sure na mangyayari, hindi mo alam kung ano ang pwedeng maging desisyon sa huli, kaya pwedeng mangyari na maging masaya ka o pwedeng pagsisisi sa huli ang bunga.

Huwag mo paasahin yung sarili mo sa hindi naman talaga buongbuo magiging sayo o hindi sigurado na magiging sayo sa huli, kasi masakit, masikit ang umasa at kapag naramdaman mo yung sakit na yun, magsisisi ka na lang kasi bakit umasa ka ng ganun. Kung ako sayo, huwag ka msyadong umasa, kung aasa ka yung konti lang para hindi ka msyadong madidissapoint ng sobra sobra, kapag hindi nangyari tanggap mo. Simpleng gawin mo na lang e maging masaya na lang kung ano ang pwedeng mangyari, yung tanggapin mo na lang at tandaan mo na lang yung nangyari para kapag naulit alam mo na kung ano ang gagawin.

Huwag mo papaniwalain yung sarili mo, huwag mo paasahin ang sarili mo kasi magsisisi ka lang.

27 June 2012
Sabi nila..

ayoskalangba:

  • Sabi nila If A person who truly love you will never let you go, no matter how hard the situation is! Kapag may tyaga may linaga, parang ganon lang naman yun, ganun lang din naman ang love: KAILANGAN MO MAGEFFORT! Dahil kung walang effort, walang mangyayare. You don’t just wait, but you take a step!
  • Sabi nga nila Everyone has their own stories in life:May malungkot at may magiging masaya. Kala mo mag-isa ka lang pero ang totoo there will be a time na that person will come to your life and will make a big change. Bring you happiness that you know it will last. Kung siya na talaga, mararamdaman mo na lang na ayaw mo siyang pakawalan. It’s not how long you’ve spent.. That matter but it is how long it will last.
  • Sabi nila pag ending tapos na, malungkot na, wala na sila. Pero para saakin ENDING IS A SUCCESS, ending that would create memories: Memories that we’ll all cherish. Malungkot man o masaya ang ending ang mahalaga nagkaruon ka ng memories kasama sila, at syempre may natutunan ka.
27 June 2012

ayoskalangba:

Everyone’s love story start with.. Once upon a time in a kingdom far far away .. Because that time you believe in fairytales: Prince Charming, Unicorns, Destiny, Soulmate, Damsel in distress, warrior. And you believe that your story will end with … And they live happily ever after. You believe in the word ‘FOREVER’ But then.. That’s just your ‘FANTASY’ pure imagination with no basis and proofs because in reality the only permanent thing is ‘CHANGE’

Everything has an ending and opposite to what you believe not all story ends with ‘They live happily ever after.’

  • What is happiness? Is it to love? Or to be loved?
  • Sino ang pipiliin mo, yung mahal mo o yung nagmamahal sayo?

Hapiness is to be love and be loved. At kung papipiliin ako, yung mahal at mamahalin din niya ako. Saya nung dibaa? Hindi mo naman kailangan ng forever, ang kailangan mo yung taong mamahalin ka at hindi ka sasaktan. Mas maganda naman yun diba? Kaysa umasa ka sa wala, sa hindi naman pwedeng mangyari o simpleng sabihin e IMPOSIBLENG mangyari. 

27 June 2012
Hindi ko kailangan ng mga SIGNS para patunayan ko sa sarili ko na MAHAL kita.

ayoskalangba:

Kapag nagmahal ka at hindi ka sigurado sa nararamdaman mo, diba misan humihingi ka ng sign kung siya na ba talaga, kung mamahalin mo ba siya o kung ipaglalaban mo siya. Pero kailangan ba talaga humingi ka ng sign? Hindi ko naman sinasabi na mali ang humingi ng sign pero kung mahal mo naman talaga ang isang tao hindi mo na kailangan humngi ng sign, mahal mo nga diba bakit kailangan mo pang humingi ng sign? Kung mahal mo, mahal. Walang pero pero at walang pagaalinlangan.

Kung mahal mo, ang alam mo lang ay yung mahalin siya at pasayahin siya. Kung hihingi ka ng sign, ibig sabihin hindi mo talaga siya mahal, HINDI MO TALAGA PINAPARAMDAM SA KANYA NA MAHAL MO SIYA, kaya ka nahihirapan kasi kung mahal mo siya hindi ka mahihirapan sa lahat ng gagawin mo dibaa? Kasi para sa kanya kahit mahirap gagawin mo. Hindi mo kailangan ng sign para gawin mo ang isang bagay, hindi mo kailangan magdalawang isip kung gagawin mo hindi, hindi mo iisipin kung ano ang pwedeng mangyari kasi ang mahalaga maparamdam mo sa taong mahal mo kung gaano siya kaimportante sayo. GANUN YUN! 

Kung mahal mo iparamdam mo, hindi yung hihingi ka ng sign. 

27 June 2012
theme by simplynorule